Manila, Philippines – Second choice pala si Lorna Tolentino sa karakter na Rosa bioang ina ni Judy Ann Santos sa pelikulang Espantaho.
Pero dedma lang si LT kahit na second choice lang siya. Wala raw siyang pakialam.
Ang Espantaho ay ang entry ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions para sa 50th Metro Manila Film Festival.
Sabi ng Quantum producer na si Atty. Joji V. Alonso, sa tingin niya ay na-challenge si LT dahil second choice siya kaya mad ginalingan niya nang husto ang pagganap at maganda naman ang kinalabasan dahil laging in character ang premyadong aktres mula pagdating sa set hanggang makauwi na.
Kuwento pa ni Atty. Joji ay ang huhusay ng mga artista ng Espantaho dahil hindi sila nakatikim ng galit mula sa kanilang direktor na si Chito Roño na kilalang “terror” sa set.
Kahit nga raw ang batang si Kian Co na gumanap na anak ni Judy Ann sa movie ay hindi nasita. JP Ignacio