MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Australian government ang suporta nito sa pagtatatag ng isang independent at operational forensic institute sa Pilipinas para mas mapalakas pa ang justice system sa bansa.
Inanunsyo ito ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa isinagawang paglulunsad ng 4th Philippine Human Rights Plan (PHRP4), dinaluhan din nina Executive Secretary Lucas Bersamin at iba pang opisyal ng gobyerno.
“This is important because forensic tools are transformative. They provide irrefutable evidence, speed up case resolutions, and strengthen accountability mechanisms,” ang sinabi ni Yu.
“This project, can I share with you, is very well advanced. And it’s aimed at empowering the justice system to investigate and document cases thoroughly, and of course it will build the capacity of a new cohort of doctors trained in international standards in forensic medicine,” dagdag na wika nito.
“Even though I’ve got only seven months to go in my tenure as the Australian Ambassador to the Philippines…I am absolutely determined and keen to see this project fully implemented to yet again further advance the Philippines’ actions on human rights,” ang winika pa rin ni Yu.
Ang PHRP4 ang pinakabagong pag-uulit ng National Human Rights Action Plan ng Pilipinas, dinisenyo para gabayan at palakasin ang pagsisikap sa pagsusulong ng human rights sa iba’t ibang sektor.
Ang plano ay isa sa tatlong pangako na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas noong December 2023 sa isinagawang 75th anniversary ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) sa Geneva, binigyang diin ang commitment ng gobyerno na panindigan ang ‘human dignity, pagkakapantay-pantay, at kalayaan’ sa bansa. Kris Jose