MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at MegaLotto 6/45 draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Hunyo 10.
Ang nanalong kombinasyon sa Grand Lotto 6/55 ay 53-19-08-34-38-52 na may jackpot na ₱45 milyon, ngunit walang tumamang bettor.
Samantala, ang nanalong kombinasyon sa MegaLotto 6/45 ay 14-45-44-42-28-20 na may jackpot na ₱52.08 milyon, ngunit wala ring nakakuha ng jackpot prize.
Dahil dito, inaasahang lalaki pa ang mga jackpot na mapapanalunan sa mga susunod na draw ng PCSO. RNT/MND