Home METRO 11 Dawlah patay sa opensiba ng militar

11 Dawlah patay sa opensiba ng militar

Maguindanao del Norte – Patay ang labing-isang (11) miyembro ng extremist Dawlah Islamiya (DI) sa isang opensiba ng militar sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan (DHA) sa Maguindanao del Sur nitong Biyernes, Disyembre 1, ng hapon.

“Ang putukan, na nagsimula ng 1 p.m. ay tumagal ng mahigit tatlong oras,” sabi ni Maj. Saber Balogan, hepe ng operasyong sibil-militar ng Army ng 601st Infantry Brigade (601IBde), sa isang panayam noong Sabado.

Sinabi ni Balogan na ang mga elemento ng Army’s 40th Infantry Battalion (IB) na nagsasagawa ng patrol operations ay nakipagsagupaan sa hindi pa matukoy na bilang ng mga miyembro ng DI-Hassan Group sa Barangay Tuwayan Mother ng bayan.

Sa clearing operations, narekober ng ground troopers ang limang M16 rifles, dalawang M14 assault rifles, rocket-propelled grenades, at limang improvised explosive device (IEDs).

Kinumpirma ni Balogan na 11 miyembro ng DI ang napatay sa operasyon ng militar at ang kanilang mga labi ay itinurn-over sa DHA local government unit.

“Walang nasawi sa panig ng gobyerno,” aniya, at idinagdag na walang sibilyan din ang naapektuhan dahil malayo ang firefight site sa mga residential areas.

Ang DI-Hassan Group ang pinaniniwalaang nasa likod ng serye ng pambobomba sa mga pampasaherong bus sa Maguindanao Sur at Sultan Kudarat sa nakalipas na tatlong taon.

Sinisi rin ito sa mga pag-atake laban sa mga pwersa ng gobyerno sa lalawigan.

Naganap ang operasyon ng DHA isang araw matapos sumuko ang 13 miyembro ng DI sa Army’s 6th Infantry Division (ID) sa lalawigan ng South Cotabato. Santi Celario

Previous articlePinas gustong mag-host ng climate disaster fund
Next articleDOH sa publiko: Face mask on vs ‘walking pneumonia’