Home NATIONWIDE DOH sa publiko: Face mask on vs ‘walking pneumonia’

DOH sa publiko: Face mask on vs ‘walking pneumonia’

133
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng abiso ang Department of Health upang palakasin ang pampublikong kalusugan at mga hakbang sa paghahanda sa ospital –kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng mga kaso ng respiratory illnesses dahil sa patogen mycoplasma pneumoniae sa mga bata sa China.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na ang mycoplasma pneumoniae ang nagiging sanhi ng tinatawag na ‘walking pneumonia’.

” Ibig sabihin nung walking pneumonia, pag-inexray mo ang isang tao, meron nang findings sa chest x-ray. Pero naglalakad pa rin, parang wala siyang nararamdaman,” sabi ni Tayag.

Ang mga taong may sintomas ay pinayuhan na sumailalim sa testing, kahit Ilan lamang sa mga centers sa bansa ang makakapagkumpirma ng sakit, kabilang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng Department of Health (DOH).

Pinayuhan ng DOH ang publiko lalo na ang mga vulnerable sector na ipagpatuloy ang pagsusuot ng masks habang hinihintay ang karagdagang impormasyon kaugnay sa “walking pneumonia.”

Sa isang advisory, sinabi ng DOH na nagsimula nang tumaas ang mga kaso ng influenza-like illnesses sa bansa batay sa kanilang pinaigting na monitoring.

Tiniyak ng DOH sa publiko na mayroon silang mga hakbang sa pagtugon laban sa posibleng pagtaas ng mga kaso at patuloy na palalakasin ng Epidemiology Bureau (EB) ang surveillance ng ILI sa pakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) at China. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here