Home METRO 11 katao lumikas sa landslide sa Taguig

11 katao lumikas sa landslide sa Taguig

1
0

TAGUIG CITY, Philippines — Nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbagsak ng bahagi ng pader ng isang bahay ang malakas na ulan sa Barangay Pembo, Taguig noong Agosto 29.

Ayon sa Pembo Fire & Rescue Brigade, naganap ang insidente sa Dahlia Street. Nakatanggap ang kanilang team ng radio report bandang 2:16 p.m. at agad nagtungo sa lugar.

Dahil sa insidente, isang pamilya na binubuo ng 11 miyembro ang inilikas.

Dumating din ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office at City Social Welfare and Development Office upang magsagawa ng paunang hazard at welfare assessment. Nilagyan ng harang ang apektadong lugar.

Sinundan ito ng City Search and Rescue, na nagsagawa ng structural at safety evaluation.

Pumayag naman ang may-ari ng katabing property, kung saan may isinasagawang konstruksyon, na tumulong sa apektadong pamilya.

Samantala, nilinis din ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga natumbang puno sa iba’t ibang barangay, kabilang ang Central Signal at Western Bicutan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here