Home METRO 11 kilo ng ‘bato’ nasamsam sa seaport interdiction ops sa Sorsogon

11 kilo ng ‘bato’ nasamsam sa seaport interdiction ops sa Sorsogon

282
0

SORSOGON, Philippines – Sa isang malaking anti-drug operation, matagumpay na naharang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at partner units mula sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Matnog Inter-Agency Illicit Drug Interdiction Task Group (IIDITG), at iba pang law enforcement units, ang dalawang drug personalities sa paligid ng Matnog, Barangay Cal Matnog Seaport, Sorosogon 5:45 AM noong Agosto 23, 2025.

Ang pinagsamang operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 11 kilo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, na nakatago sa labing-isang (11) vacuum-sealed transparent plastic packs na may markang “VERY GOOD” at may QR codes. Kasabay ng mga kontrabando, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang mga gamit na hindi droga, kabilang ang mga sako, isang tactical bag, garbage bags, identification card, mobile phones, travel documents, at isang (1) puting Toyota Hilux na ginamit sa transportasyon.

Dalawang suspek na kinilala lamang sa pangalang alias “Jam”, 34 taong gulang, lalaki, at alias ​​“Sal”, 19 taong gulang, lalaki, ay naaresto sa interdiction.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga ito habang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang seaport interdiction operation na ito ay produkto ng Intelligence based operations na nag-ugat sa mga nakaraang operasyon na dati nang isinagawa ng PDEA at iba pang nagpapatupad ng batas. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here