Home METRO 11 lugar nakaramdam ng mala-impyernong init nitong Abril 10

11 lugar nakaramdam ng mala-impyernong init nitong Abril 10

MANILA, Philippines – Umabot sa “dangerous” level ang heat index sa 11 lugar nitong Miyerkules, Abril 10, sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA na ang heat index mula 42 degrees Celsius (°C) hanggang 51°C ay nagpapahiwatig ng napipintong “panganib,” dahil “malamang ang heat cramps at heat exhaustion,” at “heat stroke is probable with continue activity.”

Noong Miyerkules, nagtala ang Dagupan City, Pangasinan ng heat index na 44℃, na sinundan ng Bacnotan, La Union; Puerto Princesa City, Palawan; at Aborlan, Palawan, na may heat index na 43 ℃.

Samantala, ang Laoag City, Ilocos Norte; Masbate City, Masbate; Roxas City, Capiz; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City, Maguindanao ay may heat index na 42 ℃.

Tinukoy ng PAGASA ang heat index bilang pagsukat kung gaano kainit ang pakiramdam kapag pinagsama ang relative humidity sa aktwal na temperatura ng hangin.

Naitala nito ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon noong Marso 27 sa Roxas City, Capiz sa 48°C. Santi Celario