Home HOME BANNER STORY South China Sea cooperation paplantsahin sa PH, US, Japan talks

South China Sea cooperation paplantsahin sa PH, US, Japan talks

MANILA, Philippines – Talakayin sa paparating na trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, United States (US), at Japan ay ang kooperasyon sa South China Sea, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na ang mga detalye ng “kasunduan” sa pagitan ng tatlong bansa ay mapapaplantsa sa kanyang pakikipagpulong kay US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

“Ito ay mahalagang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos, Japan, at Pilipinas sa pakikipagtulungan sa mga tuntunin ng pagpapanatili ng seguridad at kalayaan sa paglalayag sa South China Sea. That is the essence of it,” ani Marcos sa reporters.

“Pero siyempre, maglalaman ito ng higit pang mga detalye sa kahulugan kung paano ipapatupad ang pakikipagtulungan na iyon. So yun ang pag-uusapan natin,” dagdag pa niya.

Nakatakdang lumipad si Marcos sa US sa Miyerkoles ng hapon para sa makasaysayang summit.

Inaasahang magsasagawa rin ang Pangulo ng bilateral meeting kasama si Biden sa sideline ng trilateral summit para talakayin ang progreso ng relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at US.

Noong Linggo, ang tatlong bansa, kasama ang Australia, ay nagsagawa ng quad naval exercise sa West Philippine Sea, bahagi ng malawak na South China Sea na ganap na inaangkin ng China. RNT