Home NATIONWIDE P213-M Grand lotto jackpot pwede pang mapanalunan!

P213-M Grand lotto jackpot pwede pang mapanalunan!

MANILA, Philippines – Mailap pa rin ang multimillion Grand Lotto 6/55 jackpot matapos na hindi ito mapanalunan sa bola nitong Miyerkoles, Abril 10 ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga lumabas na numero sa Grand Lotto ay 09-37-24-23-07-52, na may jackpot na P213 milyon.

Wala ring bettor ang nanalo sa Megalotto 6/45 draw na may winning combination na 13-31-09-44-33-18. Ang jackpot ay P21 milyon.

Ang 6/55 draw ay ibinobola tuwing Lunes at Miyerkules, habang ang 6/45 na draw ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT