Home NATIONWIDE Dagupan City dalawang araw na mabababad sa peligrosong init!

Dagupan City dalawang araw na mabababad sa peligrosong init!

MANILA, Philippines – Pinaghahanda ng weather bureau ang mga taga-Dagupan City sa Pangasinan sa susunod na dalawang araw dahil sa potensyal na maramdaman ng mga residente rito ang pinakamataas na heat index na 44 degrees Celsius (°C),

Babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring maranasan ang 44°C heat index sa Huwebes at Biyernes, Abril 11 at 12 sa  Dagupan City, Pangasinan.

Mula noong Abril 8, ang heat index ng Dagupan City ay nasa 44°C.

Sa Huwebes, maaaring umabot sa 43°C ang heat index sa Puerto Princesa City at bayan ng Aborlan, kapwa sa lalawigan ng Palawan, at 42°C sa Bacnotan, La Union at Roxas City, Capiz.

Sa Biyernes, maaaring maitala ang 43°C heat index sa Bacnotan, La Union; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; at Roxas City, Capiz.

Samantala, Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; San Jose, Occidental Mindoro; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City, Maguindanao ay maaaring magrehistro ng 42°C heat index.

Sinabi ng PAGASA na ang heat index mula 42°C hanggang 51°C ay nagpapahiwatig ng napipintong “panganib,” dahil “malamang ang heat cramps at heat exhaustion,” at “heat stroke is probable with continue activity.” Santi Celario