Home METRO 11 pasahero dedo sa banggaan ng van at trak sa Albay

11 pasahero dedo sa banggaan ng van at trak sa Albay

263
0

MANILA, Philippines – Labing-isa sa 13 pasahero ng isang UV Express ang nasawi matapos banggain ng isang truck ang kanilang sasakyan sa Camalig, Albay nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo sa isang Facebook post, umabot ng walong oras ang rescue at retrieval operation matapos mangyari ang aksidente bandang 9:00 a.m. sa bypass road ng Barangay Libod.

“Sa 13 sakay ng UV Express Van (Nabua–Legazpi route), dalawa lamang ang nakaligtas,” ani Baldo.

Nakaligtas din ang driver at pahinante ng truck at agad dinala sa ospital. Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang truck bago nito binangga ang van, dahilan para mahulog sa creek ang parehong sasakyan.

Nagpaabot ng pakikiramay si Mayor Baldo sa mga naulila ng mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here