Home METRO 11 paslit nalason sa bunga ng Tuba-tuba sa Bulacan

11 paslit nalason sa bunga ng Tuba-tuba sa Bulacan

564
0

Bulacan – Nasa 11 bata kabilang ang dalawang babaeng paslit na umanoy nalason matapos kumain ng bunga ng “Tuba-tuba” sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Sa report ni SJDM police OIC P/Lt. Col. Ariel Narboada, nasa 12 anyos ang pinakamatanda habang 5 anyos ang pinakabatang biktima at kapwa residente ng Alphas Homes, Brgy. Muzon.

Ayon imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 6:30 ng gabi nitong Huwebes, Hunyo 29 sa naturang lugar.

Nabatid na napagkasunduan ng mga batang magkakalaro na kumain ng bunga ng halamang Tuba-tuba na ibinigay sa kanila ng isa nilang kalaro.

Dahil dito, ilang minuto lang ay biglang sumakit ang mga ulo at nagsuka ng paulit-ulit ang mga batang magkakalaro.

Nalamang agad na dinala sa Dr. Jose N. Rodriguez sa Tala, Brgy. 186, Caloocan City ang mga biktima para sa paunang lunas.

Kalaunan ay ipinalabas ng mga doktor ang siyam na biktima habang dalawa ang naiwan para sa patuloy na gamutan sa naturang ospital.

Sinasabing ang Tuba-tuba ay isang halamang may sayantipikong pangalan na Jotropa curcas na kilala bilang lunas sa pasa at tapilok subalit itinuturing din na one of the poisonous plant species sa ating bansa. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here