Home ENTERTAINMENT It’s Showtime! suportado ni Isko

It’s Showtime! suportado ni Isko

Manila, Philippines – Mismong si Vice Ganda ang nagbalita sa press who covered It’s Showtime’s contract signing with GTV recently na napaka-heartwarming daw ng pagkikita nila ni Isko Moreno.

Si Isko ay isa sa mga hosts ng revamped Eat Bulaga sa GMA na kasabay ng pag-ere ng kina Vice Ganda.

Nagkita raw ang dalawa sa isang event sa Maynila.

Ani Vice Ganda, nagyakapan daw sila ng dating alkalde ng lunsod ng Maynila.

The Unkaboggable Star quoted Isko to have told him: “O, congratulations! Nabalitaan ko, ah!”

Ang tinutukoy ni Isko na nabalitaan niya ay ang paglipat ng 14-year-old na It’s Showtime sa GTV, sister channel ng GMA.

Ito’y makaraang mag-expire ang blocktime arrangement nito sa TV5.

Sa show ng comic trio na TVJ at buong Dabarkads naman ibinigay ang iniwang time slot ng It’s Showtime.

Sagot daw ni Vice Ganda sa tinuran ni Isko: “Huwag na lang tayo mag-isip ng kung anu-ano. Magtulungan na lang tayo. Pasayahin natin ang mga people!”

Pahabol pang sabi ng TV host-comedian kay Yorme: “‘Di ba, G tayo?”

Nagsimula na nga ang three-sided noontime show war ng Eat Bulaga, It’s Showtime at sa buong Dabarkads ngayong July 1, Sabado.

Ang inaabangan ng publiko ay kung alin sa tatlong programa ang makakapagtala ng pinakamataas na audience share o viewership.

Ahead of its pilot episode on TV5, mas lalo pang pinalakas ng show ng Dabarkads ang kanilang reach sa pamamagitan ng ilang lehitimong social media accounts. Ronnie Carrasco III