INDONESIA – Umabot na sa 11 ang nasawi sa landslide na tumama sa Central Java, Indonesia.
Kasabay nito ay mayroon namang 12 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Ayon kay M. Abdullah, pinuno ng Search and Rescue Office sa Cilacap kung saan nangyari ang landslide, nagpapatuloy ang search and rescue efforts sa nalalabing 12 biktima matapos na matagpuang-patay ang 11 iba pa.
“Hopefully, all 12 victims who are still buried can be found,” aniya.
“We have deployed 21 excavators, 17 compressor support tools, nine search dogs, and more than 600 personnel,” dagdag ni Abdullah.
Nitong Biyernes, iniulat ng Indonesia National Disaster Mitigation Agency na 20 katao ang nawawala at tatlo ang kumpirmadong nasawi kasunod ng landslide sa Cilacap. RNT/JGC