Home NATIONWIDE 11 senatorial bets ng Makabayan para sa 2025 polls kilalanin

11 senatorial bets ng Makabayan para sa 2025 polls kilalanin

MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Makabayan Coalition ng 11 senatorial bets mula sa party-list groups representatives at mga miyembro ng iba’t ibang progressive groups para sa 2025 midterm elections.

Sa isang kumbensyon nitong Sabado sa Quezon City, inanunsyo ng koalisyon ang 11-man senatorial slate bitbit ang slogan na “Taumbayan Naman.” Ang pinakabagong nadagdag sa slate ng koalisyon ay si Moro activist Amirah Lidasan na inanunsyo ang kanyang senatorial candidacy noong Martes.

Ang senatorial bets na kakandidato sa ilalim ng koalisyon ay sina:

  • Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro

  • Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas

  • Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis

  • Dating Gabriela Partylist Representative at dating National Anti-poverty Commission Chairperson Liza Maza

  • Dating Bayan Muna Representative at Bagong Alyansang Makabayan Chairperson Teddy Casiño

  • Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo Ramos

  • Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) Chairman Mody Floranda

  • Urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) Secretary General Mimi Doringo

  • Filipino Nurses United Secretary General Jocelyn Andamo

  • Sandugo Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination Co-chairperson Amiral Lidasan

“Ordinary citizens should be given the opportunity to participate and serve the public. The fight against corruption is a fight of the masses. We will not let those who reveal corruption be put in danger,” pahayag ni Casiño.

Inanunsyo rin ng koalisyon ang first nominees ng apat na party-list groups na tumatakbo sa ilalim ng slate: Human rights lawyer at dating representative Neri Colmenares mula sa Bayan Muna, dating representative Antonio Tinio mula sa ACT, dating representative Sarah Elago mula sa Gabriela Women, at abogado at dating UP Student Regent Renee Co mula sa Kabataan. RNT/SA