Home NATIONWIDE KOJC members handang humarap sa mga kasong nakaambang isampa ng PNP

KOJC members handang humarap sa mga kasong nakaambang isampa ng PNP

MANILA, Philippines- Naghahanda ang mga miyembro ng  Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para sa mga kasong inanunsyo ng kapulisan na ikinakasa nila kaugnay ng search operation sa compound ng religious group na nagresulta sa pagkakaresto kay Apollo Quiboloy, ang KOJC leader na nahaharap sa abuse at trafficking cases sa mga korte sa Metro Manila.

“Pati ba naman disbarment case?” ani KOJC lawyer Israelito Torreon sa legal challenges na maaari niyang kaharapin at ng KOJC members para sa sinabi ng mga pulis na obstruction of justice at harassment sa search operation.

“If they feel that I have to be disbarred in the practice of law, I will just answer it in the proper forum. I know that I just did my job pursuant to the best of my abilities and if they feel that I violated any of our codes of conduct, then so be it,” giit ni Torreon.

Sinabi niyang naniniwala siyang isinusulong ng Philippine National Police ang mga kaso “to make our lives miserable” subalit inihayag na dedepensahan ng mga miyembro ng religious group, na nakikita si Quiboloy bilang appointed ‘Son of God,’ sa korte.

“May kanya-kanya kaming papel na ginagampanan and I do hope that after all the roles have have played out, everything will come together and we’ll work for the best on both camps,” aniya pa.

Inihayag ni Criminal Investigation and Detection Group director Nicolas Torre III, nanguna sa operasyon sa KOJC compound, na nagbabadyang magsampa ang mga pulis ng mga kasong sedition, obstruction of justice, at direct assault laban sa KOJC members na pumigil sa kanila sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin.

“We’re just implementing a simple warrant of arrest. Pinigilan tayo, inassault ang mga tao natin, sinabuyan ng tae, may mga sinuntok,” ayon pa kay Police BGen. Torre, idinagdag na sinigawan din umano siya ng KOJC members gayung ginagampanan lamang umano niya ang kanyang tungkulin.

Giit ni Torreon, nauwi rin ang ang pag-aresto kay Quiboloy sa “season of tribulation” para sa religious group.

“Ako naman ay naniniwala that justice will be served and all of these cases will soon meet its destiny at the trash can. All of these cases are only seasonal and the season of redemption, the season of vindication will soon arise,” wika pa niya. RNT/SA