Home METRO 11 volcanic quakes naitala sa Mt. Kanlaon

11 volcanic quakes naitala sa Mt. Kanlaon

MANILA, Philippines- Nakapagtala sa bulkang Kanlaon ng 11 volcanic earthquakes at naobserbahan ang pagbuga nito ng ng usok nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagbuga rin ang bulkan ng 5,763 tonnes ng sulfur dioxide  noong January 10, base sa bulletin ng PHIVOLCS na ipinalabas nitong Sabado.

Umabot ang usok ng bulkang Kanlaon ng 1,000 metro bago magtungo sa “southeast, general south, and south-southwest directions.”

Umiiral ang Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) sa bulkan, base sa PHIVOLCS. RNT/SA