Home NATIONWIDE 1,104 indemnity checks, naibigay sa OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi...

1,104 indemnity checks, naibigay sa OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi – solon

MANILA, Philippines – Mula sa 1,104 indemnity checks na binayaran ng Kingdom of Saudi Arabia na nagkakahalagang P868,740,544 na naisaproseso, 843 na tseke ang naibigay sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa naturang bansa, ayon sa chairman ng Senate committee on migrant workers.

Kasabay nito, inihayag din ni Senador Raffy Tulfo na nakatakdang talakayin ng komite ang Senate Bill No. 2078, o mas kilala bilang OFWs Financial Literacy Enhancement Act upang mapabuti ang kaalamanan nila sa usaping pananalapi.

Sa pahayag, lubos na ikinatuwa ni Tulfo ang balita na nagsimula nang matanggap ang kompensasyon ng OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia sanhi ng pagkabangkaroteng Saudi Arabian construction companies.

Ayon kay Tulfo sa ginanap na pagdinig sa Senado na umabot sa 1,104 indemnity checks mula sa Alinma Bank ang naisaproseso ng Overseas Filipino Bank at Land Bank of the Philippines (LBP).

Nawalan ng trabaho ang 10, 544 OFWs noong 2015 at 2016 sa Saudi Arabia matapos magsara ang kanilang kompanya.

“Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, lubos ang aking kasiyahan dahil matapos ang halos siyam na taon na paghihintay ng ating mga Saudi OFW ay makukuha na nila ang kanilang insurance claims.

“Ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na babayaran ng kanilang gobyerno ang ating mga OFW,” saad niya matapos pasalamatan ang naturang monarkiya.

Sa naturang pagdinig ng Senate Bill No. 2078, o mas kilala bilang OFWs Financial Literacy Enhancement Act, iginiit din ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasabatas nito kabilang ang paghahanap ng solusyon sa lumalalang illegal recruitment sa bansa.

Gustong isulong ni Cayetano ang mas matitibay na batas upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng OFWs na nabibiktima ng illegal recruitment bukod sa pang-aabuso ng employer sa abroad.

Tinalakay ng komite ni Tulfo ang panukalang OFWs Financial Literacy Enhancement Act at ilang isyu na na nagkakaroon ng malaking epekto sa kanilang kagalingan kabilang ang illegal recruitment.

“When people get desperate or are into an economic crisis, there would be many recruiters or employers duping those vulnerable, or in countries that have troublesome histories with the rights of migrant workers, we see them getting abused,” ayon kay Cayetano.

Pangunahing may-akda si Cayetano ng Department of Migrant Workers bukod sa nagsilbi ang mambabatas bilang foreign secretary sa panahon ng nakaraang administrasyon.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ng illegal recruitment, sinabi ni Cayetano na dapat isulong ng Senado ang pagpapatibay ng regulasyon sa proseso ng employment at deployment.

Nakatakda sa naturang panukala, oobligahin ang OFWs na dumalo sa isang seminar hinggil sa sa kaalamanang pinansyal bago umalis ng Pilipinas at pagdating nila sa kanilang destinasyon.

“Our overseas Filipino workers are our modern-day heroes,” naunang pahayag ni Cayetano.

“They sacrifice so much to provide for their families and contribute to our national economy. We owe it to them to ensure that they are protected and well cared for,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

Previous articleMTRCB nanindigan sa suspensyon vs SMNI
Next articleChild abuse gamit AI, pinasusugpo ng solon sa gobyerno