MANILA, Philippines- Itatalaga ang kabuuang 115 bagong corrections officers na nagsipagtapos nitong Huwebes, matapos makumpleto ang kanilang mandatory trainings, sa iba’t ibang prison facilities ng Bureau of Correction (BuCor).
Sinabi ng BuCor na mayroon nang 3,710 corrections officers na nakakumpleto ng pagsasanay.
Anito, 3,067 bagong recruits ang matagumpay na nakatapos ng Basic Training Course para sa Corrections Officer 1 habang 643 custodial officers ang nakakumpleto ng Mandatory Training bilang paghahanda sa kanilang promosyon.
Bahagi ang recruitment at trainings ng pagsisikap ng BuCor “to enhance its workforce,” wika pa nito.
Binanggit nito na isinusulong ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang “importance of professional growth within the agency, stating that he is committed to ensuring that BuCor officials do not retire at the lowest rank.” RNT/SA