Home NATIONWIDE 115K body armors, 115K helmet bibilhin para sa PH Army

115K body armors, 115K helmet bibilhin para sa PH Army

88
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of National Defense (DND) na kukuha ng 115,000 military body armors at 115,000 ballistic helmet ang departamento para sa Philippine Army.

Nauna rito noong Hulyo 22, naglabas ang DND ng mga bulletin para sa bidding ng military vests na may P8,832,000,000 budget at bulletproof helmets na may P2,875,000,000 budget.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala na ang pagbili ng mga bagong gamit sa militar ay nasa ilalim ng modernization program ng militar.

“Bahagi pa rin ng modernisasyon ng Philippine Army. Hindi ko lang alam kung ano yung nandoon sa DND but meron namang naka-program sa Philippine Army nun,” sinabi nito sa mga mamahayag.

“For protection ng ating mga personnel yun, yun yung purpose nya, since time immemorial, hindi pa nagkaroon ng mga ganyan nun. So nakita natin, actually nagstart yan nung sa Marawi so kinakailangan talaga natin yung body armor and yung helmet,” idinagdag pa nito .

“Para po sa proteksyon ng ating mga tauhan, yun po ang purpose niya. Since time immemorial, wala pa pong ganyan. Sa Marawi po talaga nagsimula so kailangan po talaga yung body armor at yung helmet,” dagdag pa nito.

Ang Marawi Siege noong Mayo 2017 ay ginawa ng Maute Group at tumagal ng ilang buwan. Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinalaya ang lungsod mula sa grupo noong Oktubre ng parehong taon.

Sinabi ni Dema-ala na kailangang palitan ang mga kasalukuyang body armors at helmet ng Philippine Army dahil may “expire” na ang mga ito at para matiyak na maaasahan ang mga gamit ng mga sundalong ito.

Noong Hulyo, sinabi ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si General Romeo Brawner Jr. na ilang bagay ang hindi pa natatapos sa ilalim ng Horizon 1 at 2 ng modernization program, na ngayon ay nagpapatuloy na sa Horizon 3.

Ang pagkuha, pagsasanay, at pag-aayos ng mga pasilidad ay patuloy, ayon kay Brawner. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here