MANILA, Philippines – Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 30 pamilya na binubuo ng 116 indibidwal na residente mula sa Barangay Talisay, Jomalig, Quezon.
Katuwang ng PCG ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa operasyon upang masiguro ang kanilang kaligtasan at dinala sa evacuation sa Jomalig Central Elementary School, Jomalig National High School, at Barangay Talisoy Hall.
Tumulong din ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Patnanungan sa mga evacuees mula Sitio Talao Talao at Sitio Tibalao sa Barangay Poblacion.
Ang pagsisikap na ito ay nagresulta sa paglikas ng 51 pamilya, na may kabuuang 263 indibidwal, na inilipat sa Patnanungan Elementary School at Patnanungan Sur Barangay Hall.
Ang Coast Guard ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at kagalingan ng ating mga komunidad sa mga mapanghamong panahong ito.
Hinihimok ang lahat na manatiling alerto at sundin ang patnubay ng mga lokal na awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden