MANILA, Philippines – Dahil sa epekto ng bagyong Kristine, kanselado ang biyahe ng ilang bus na nasa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa abiso mula sa pamunuan ng PITX, nasa 66 na biyahe ang kanselado ngayong Huwebes, Oktubre 24.
Kabilang sa mga kanseladong biyahe ay ang mga bus na patungong Quezon province, Mindoro, Iloilo, Cagayan de Oro, Sorsogon, Laguna, Batanga, Albay, Masbate, Catanduanes at Camarines Sur.