MANILA, Philippines – Nasa 11,000 fully grown marijuana plants at binunot at sinira sa pinakabagong operasyon sa Malungon, Sarangani province.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office sa Soccsksargen (Region 12), tinatayang nasa P2.2 milyon ang halaga ng mga marijuana plant.
Ang joint operation ay isinagawa sa Barangay B’laan nitong Huwebes, Pebrero 6 ng mga tauhan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, at provincial at municipal police units.
Agad na sinunog ang mga kontrabando, habang ang mga sample ay dinala sa PDEA Soccsksargen laboratory para sa analysis. RNT/JGC