Home NATIONWIDE Pantay-pantay na minimum wage sa buong bansa, isinusulong ni Imee

Pantay-pantay na minimum wage sa buong bansa, isinusulong ni Imee

MANILA, Philippines – Nangako si Senador Imee Marcos na isusulong nito ang pantay-pantay na minimum wage sa buong bansa kung mahahalal ulit bilang senador sa 2025 midterm elections.

“Yung una kong legislation yung talagang magkaroon ng iisang pantay-pantay na minimum wage kasi hindi ako naniniwala na malaki ang pagitan ng gastos sa probinsya at saka sa syudad,” ani Marcos sa panayam ng DZBB nitong Sabado, Pebrero 8.’

“Ngyaon [ang agwat ng minimum wage] lagpas P200 kada araw. Kasi P640 na sa Maynila, samantalang P440 lamang sa probinsya. Kaya nais ko maging pantay yan.”

Bagamat kinikilala nito na mahal ang pamumuhay sa Metro Manila, ipinunto ni Marcos na halos ganito rin ang gastusin sa ibang probinsya.

“Mas maigi kung ibigay na lang ang ayuda sa talagang nangangailangan. Panawagan ko nga, sabi nila, aabot sa P300 billion ang mga pamigay at ayuda, AICS, TUPAD, AKAO. Pwede ba ilista na lang mga pinakamahihirap sa atin at magkaroon ng pangkalahatang sahod sa mahihirap yung universal wage. Yung mga nahuhulog sa poverty line,” ipinanukala rin ni Marcos.

Pagdating naman sa health care, sinabi ng senador na isusulong niya ang regional lung at kidney centers para maibsan ang suliranin ng mga pasyente na kailangan pang bumiyahe pa-Manila mula sa mga probinsya. RNT/JGC