Home NATIONWIDE Teves nasa Timor Leste pa rin

Teves nasa Timor Leste pa rin

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin sa Timor Leste si dating Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr.

Ito ay habang naghihintay pa ito ng desisyon ng Court of Appeals ng Timor-Leste kaugnay sa extradition request ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa abogado ni Teves, naghihintay pa sila sa resulta ng kanilang apela matapos na gawaran ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang request to extradite ng Department of Justice.

“In general, nasa Dili (Timor-Leste) pa po siya. We are awaiting the outcome of our appeal from the order or decision of the Tribunal de Recurso allowing extradition kasi appealable pa po ‘yan doon sa plenary ng Court of Appeals o Tribunal de Recurso ng Republic of Timor Leste,” pahayag ni Topacio.

Matatandaan na si Teves ay nahaharap sa kabi-kabilang murder case na may kaugnayan sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.

Humiling na ang pamahalaan ng extradition para kay Teves.

Noong Disyembre, sinabi ng Department of Justice na umaasa itong kakatigan ng Timor-Leste Court of Appeals ang ikalawang desisyon nito na i-extradite si Teves. RNT/JGC