Home METRO 11K pulis ipakakalat sa Metro Manila sa Holy Week, summer break

11K pulis ipakakalat sa Metro Manila sa Holy Week, summer break

MANILA, Philippines- Mahigit 11,000 pulis ang itatalaga sa Metro Manila upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa darating na Mahal na Araw ngayong buwan.

Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Sabado na aarangkada ang kanilang deployment sa Holy Monday, March 25.

Anito pa, nilalayon ng pinaigting na presensya ng law enforcers sa capital region na matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa inaasahang pagsisimula ng bakasyon sa ilang paaralan sa Abril 1.

“Comprehensive measures will be implemented to address the unique challenges posed by the convergence of Holy Week observance from March 25 to 31, 2024, and the onset of the summer vacation from April 1 to May 31, 2024,” saad sa abiso ng NCRPO.

Sinabi pa ng NCRPO na nakipag-ugnayan ito sa local government units, iba pang law enforcement agencies, at sa pribadong sektor upang makalikha ng “comprehensive security framework” na gagarantiya sa maayos na holidays.

Binigyang-diin nito na “information-sharing mechanisms and joint operations will be paramount to maintaining a vigilant and responsive security machinery.”

Base pa sa NCRPO, magpapatupad din ng traffic management strategies sa nasabing panahon sa pakikipag-ugnayan sa kaukulang government departments upang tugunan ang inaasahang pagsikip sa daloy ng trapiko.

Binanggit nito na magtatagalaga ng mga tauhan sa kritikal na traffic points at maglalagay din ng police assistance desks.

Inilahad ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo noong Miyerkules ang kanilang paghahanda para sa Semana Santa at sa summer vacation ngayong taon.

Sa ilalim ng “Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2024” ng PNP, halos 34,000 pulis ang magbabantay sa commercial areas, transportation terminals, at hubs sa buong bansa, ayon sa opisyal. RNT/SA

Previous article#WalangTubig sa ilang lugar sa NCR sa March 18-20
Next articlePPA handa na para sa Semana Santa