MANILA, Philippines – SWAK SA selda ang 28-anyos na lalaki dahil sa paulit-ulit na sexual abuse sa kanyang ex-girlfriend na dose anyos sa Lungsod ng Parañaque.
Inaresto ng Parañaque City Police officers si alyas Aljay, tagged as No. 1 most wanted sa Parañaque police force, sa tirahan nito sa Barangay Marcelo Green sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Moises Domingo De Castro ng Family Court, Branch 10.
Dalawang counts ng rape by sexual assault at sexual intercourse, na kapwa non-bailable, at dalawang counts of lascivious conduct na may bail na P180,000 bawat isa ang kinakaharap ng suspek sa korte.
Sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng relasyon ang suspek at dose anyos na choir member sa loob ng dalawang buwan, at inabuso sa loob ng panahong ito, kaya hiniwalayan ng biktima. Dave Baluyot