SANTIAGO CITY, Isabela- Pinagsamantalahan at pinatay ang isang 12-anyos na babae sa Barangay Buenavista sa lugar na ito nitong Sabado.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na inutusan ang biktima subalit hindi na ito nakabalik.
Hinanap siya ng kanyang tiyahin at natagpuan ang tsinelas ng biktima at duguang bangkay na halos wala nang saplot sa kalapit na bakanteng lote.
Ipinag-utos ni Mayor Sheena Tan-Dy ng lugar na ito sa mga pulis ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Ani Dy, may lead na ang kapulisan sa kaso kasunod ng pag-review sa surveillance footages sa lugar.
Nag-alok naman si Konsehal Arlene Jane Alvarez-Reyes ng lugar na ito ng P100,000 pabuya para sa impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto sa suspek. RNT/SA