MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na 12 indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) bago ang BARMM parliamentary elections sa Setyembre 14, 2026.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., wala pang naitatalang election-related incident sa BARMM.
“As of now, there are no recorded election-related incidents in the BARMM,” ani Nartatez.
“With our security operations, we were able to arrest 12 individuals for violating the gun ban,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Nartatez na nagsimula na ang mas mahigpit na security measures habang may 42 araw pa bago ang halalan.
Ayon sa PNP, 86 parliamentary seats ang paglalabanan at humigit-kumulang 400 kandidato ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC).
Hindi pa pinal ang listahan ng mga election hotspot, dahil hinihintay pa ang pinal na klasipikasyon ng Comelec.
Magpapakalat ang PNP ng 9,463 security personnel sa buong BARMM upang matiyak ang mapayapa at maayos na halalan. RNT/MDS