MANILA, Philippines- Nasa 12 indibidwal ang arestado sa Ormoc City, Leyte dahil sa umano’y paglabag sa liquor ban isang araw bago ang National and Local Elections, ayon sa ulat.
Nadakip ang siyam na indibidwal nitong Linggo ng umaga sa Barangay Doña Feliza Z. Mejia sa Ormoc City, kung saan nahuli silang umiinom ng beer.
Tatlo pa ang nahuli sa Barangay San Antonio sa parehong lungsod dahil sa pag-iinom ng alak sa pampublikong lugar.
Nakasaad sa Comelec Resolution No. 11057 o liquor ban na ipinagbabawal “to sell, give, offer, buy liquor until the end of the Election Day, violation of anyone caught would be imprisoned for up to six years.”
Mula noong Linggo, May 11, 2025, lahat ng uri ng pangangampanya ay ipinagbabawal na sa pagpapatupad ng Commission on Elections (Comelec) ng mandatory campaign silence period bago ang araw ng halalan.
Kasabay din nito ang pagpapairal ng nationwide liquor ban.
Ngayong Lunes, Mayo 12, 2025 ang araw ng eleksyon. RNT/SA