Home NATIONWIDE PBBM nakaboto na

PBBM nakaboto na

MANILA, Philippines- Bumoto na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Eleksyon 2025 sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.

Bumoto ang Pangulo sa Presinto Numero 36-A sa Mariano Marcos Memorial Elementary School, Batac City, Ilocos Norte ngayong araw ng Mayo 12.

Kasama ng Pangulo ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, at kapatid na si Irene Marcos.

Kasama ang Pangulo sa mahigit na 68 milyong rehistradong botante sa buong bansa.

Ang senior citizens ay kabilang sa mga maagang bumoto sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.

Ayon sa mga ito, maayos at madali ang eleksyon ngayon.

Ang senior citizens at persons with disabilities ang mga pinaunang pinaboto ngayon, alas-5 ng umaga nagsimula ang botohan.

Matatandaang, idineklara ni Pangulong Marcos Jr. ang Mayo 12, 2025 bilang isang espesyal (hindi nagtatrabaho) na holiday sa pamamagitan ng Proclamation No. 878 upang bigyang-daan ang mamamayang Pilipino na magamit nang maayos ang kanilang karapatan sa pagboto.

Ang holiday ay inirekomenda ng COMELEC upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mamamayan na bumoto at itaguyod ang demokratikong proseso. Kris Jose