Home NATIONWIDE 12 bagong CA members, pinangalanan sa Senado

12 bagong CA members, pinangalanan sa Senado

262
0

MANILA, Philippines – Naghalal ang Senado nitong Miyerkules ng 12 bagong miyembro ng Commission on Appointments (CA) matapos ang pagbabago sa pamunuan ng mataas na kapulungan.

Sa majority bloc, kabilang sina Risa Hontiveros, Loren Legarda, Raffy Tulfo, JV Ejercito, Mark Villar, Ping Lacson, at Lito Lapid.

Sa minority bloc naman ay sina Joel Villanueva, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, at Jinggoy Estrada.

Si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang magsisilbing ex officio chairman ng CA.

Alinsunod sa 1987 Konstitusyon, ang CA ang nagrerepaso at nagpapatibay o tumatanggi sa mga appointment ng Pangulo bilang bahagi ng checks and balances.

Naghalal din ang Senado ng mga bagong chairperson ng komite, kabilang si Francis Pangilinan para sa Justice and Human Rights at Judicial Bar Council, Camille Villar para sa Economic Affairs, at Lito Lapid para sa Cooperatives. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here