Home METRO 12 Chinese nationals arestado sa ‘illegal firearms, resisting arrest’

12 Chinese nationals arestado sa ‘illegal firearms, resisting arrest’

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang 12 Chinese nationals sa Muntinlupa City nitong Martes dahil sa possession of illegal firearms at resisting arrest.

Batay sa ulat mula sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), kasunod ang operasyon ng hirit mula sa local officials ng isang gated subdivision na naghihinalang ginagamit ng Chinese nationals ang tatlong bahay doon para sa ilegal na aktibidad.

Naberipika ng NBI-NCR agents ang impormasyon sa pamamagitan ng surveillance at casing operations bago mag-apply para sa search warrants, na inaprubahan ni Judge Liezel Aquitan, executive judge ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Sa operasyon, narekober ng mga awtoridad ang ilang mga baril, kabilang ang pistols, kasama ang mga magazine, bala, taser guns, bulletproof vests, tactical knives, at posas at iba’t ibang identification cards.

Nasabat din nila ang dalawang sasakyang naglalaman ng nasabing mga armas.

Iprinisinta ang mga suspek para sa inquest proceedings at mahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, maging Resistance and Disobedience to a Person in Authority. RNT/SA