SAUDI ARABIA – Nasa 12 indibidwal ang nasawi sa ikatlong pag-atake ng Houthi sa international airport ng Riyadh.
Mayroon ding mahigit 300 ang sugatan sa pag-atake.
Kabilang sa mga nasawi ang apat na Saudis, dalawa mula Bangladesh at tig-iisa mula US, Jordan, Palestine, Syria, Sudan at Egypt.
Dahil dito ay dinagsa ng mga sugatan ang mga ospital sakay ng mga ambulansya at helicopter.
Ang ilan ay nasa kritikal na kondisyon.
Matatandaan na inatake rin ng Houthi ang King Khalid International Airport noong nakaraang linggo kung saan apat indibidwal ang namatay at nagdulot ng matinding pinsala sa Saudi commercial plane na nakaparada sa tarmac.
Nangako naman ang Saudi-led military coalition na tutugon sa pag-atake. RNT/JGC