Home NATIONWIDE 12,000 parak ipakakalat sa Maynila sa Semana Santa

12,000 parak ipakakalat sa Maynila sa Semana Santa

157
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 12,000 pulis sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero at deboto ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., inatasan na ang lahat ng yunit ng pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng mga commuter at motorista, lalo na sa panahon ng long break. Nakatuon din ang Highway Patrol Group sa pakikipag-ugnayan sa mga bus operator upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.

“Road safety is among our top priority as more people are expected to be on the road on their way home to their home provinces and tourist spots. Your PNP will be coordinating with other stakeholders and other agencies to ensure the protection of all road users,” ani Nartatez.

Sa kabuuang 12,370 pulis, 9,433 ang magmumula sa NCRPO habang ang iba ay mula sa iba’t ibang yunit kabilang ang Regional Standby Security Force. Magtatayo rin ng police assistance desks sa 135 transport hubs at 329 simbahan sa rehiyon.

Kabilang sa mga hakbang ang road worthiness inspection sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation, gayundin ang random drug testing sa mga driver at konduktor sa tulong ng iba pang ahensya.

Inaasahang dadagsa ang milyun-milyong Pilipino na uuwi sa kanilang mga probinsya at pupunta sa mga tourist spot, na kadalasang nagdudulot din ng pagtaas ng aksidente sa kalsada. Tiniyak ng PNP na nakahanda sila sa buong panahon ng summer upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here