Home NATIONWIDE 12,246 susubok sa 2024 Bar exam

12,246 susubok sa 2024 Bar exam

MANILA, Philippines – Umabot sa 12,246 ang nagparehistro para kumuha ng 2024 Bar Examinations.

Batay sa advisory ng Supreme Court (SC) nitong Abril 5 ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Bar Examination at hindi na magtatakda pa ng extension ang SC.

Ipinaalala ng SC na ang mga application na may kumpletong dokumento at nakabayad na ang tanging ipoproseso.

“Rest assured that all timely applications with complete mandatory documents successfully uploaded in the BARISTA and with confirmed full payment with be processed accordingly.”

Ang Bar Examinations ay idaraos sa Setyembre 8, 11 at 15. Si SC Associate Justice Mario V Lopez ang magsisilbing Bar Chairperson ngayong taon.

Magtatalaga ang Korte Suprema ng mga local testing centers (LTCs) sa mga pangunahing lungsod sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao. Teresa Tavares