Home NATIONWIDE 1,288 tiwaling parak sinibak sa pwesto noong 2024

1,288 tiwaling parak sinibak sa pwesto noong 2024

MANILA, Philippines- Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang 1,288 pulis mula sa hanay nito dahil sa misconduct sa nakalipas na taon, ayon sa law enforcement agency.

Sinabi ng PNP nitong Martes na naresolba nito ang 3,611 kaso laban sa police officers mula April 1, 2024 hanggang April 23, 2025.

Nagresulta rin ang mga kaso sa 172 demotions, 1,456 suspensions, at iba pang parusa tulad ng salary forfeitures, restrictions, at reprimands.

“These actions reflect the PNP’s commitment to maintain discipline and uphold the trust of the people,” pahayag ng law enforcement agency. RNT/SA