Home NATIONWIDE PBBM: Survey rating patunay ng pagsisikap ng admin

PBBM: Survey rating patunay ng pagsisikap ng admin

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes na pinatutunayan ng survey kamakailan na nagpapakitang mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa kanya at kuntento sa kanyang performance, ang pagsisikap ng administrasyon mula nang maupo siya sa pwesto.

Ayon sa Tugon ng Masa nationwide survey ng Octa Research na isinagawa mula April 2 hanggang 5, sa 1,200 adult respondents, 60 posyento ng mga Pilipino ang naghayag ng tiwala kay Marcos, habang 59 posyento ang nagsabing kuntento sila sa kanyang performance.

“Well, it just validates what we are doing, that people are beginning to understand what we have been trying to do for the past two and a half, almost three years,” pahayag ni Marcos sa isang ambush interview sa Cavite nang kunan ng komento ukol sa rating.

“So it continues to inspire me because it shows that we’re making progress. That’s all I’m saying,” dagdag niya.

Sinabi pa ng Pangulo na “good to know” kung paano nakikita ng publiko ang pagsisikap ng kanyang administrasyon.

“Mabuti naman at nakikita ng taong bayan na yung ginagawa natin para makakatulong ito sa pampaganda sa kanilang buhay,” wika niya.

Lumabas din sa parehong survey na umakyat ang trust rating ni Vice President Sara Duterte mula 49 posyento sa 58 porsyento sa parehong period, habang nanatili ang kanyang distrust rating sa 19 porsyento, kung saan 22 porsyento ang undecided. RNT/SA