Home METRO 1,296 wanted nasakote ng NCRPO nitong Abril

1,296 wanted nasakote ng NCRPO nitong Abril

168
0

Arestado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 1,296 na wanted sa Abril, kabilang ang siyam na most wanted persons (MWPs), sa pinaigting na anti-crime operations.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, 528 sa kanila ay classified bilang city o municipal MWPs, habang 768 naman ay iba pang wanted persons. Nanguna ang Quezon City Police District sa mga pag-aresto (297), sinundan ng SPD (282), MPD (273), NPD (247), at EPD (197).

β€œAng mga suspek na ito β€” na may mga kasong mabibigat at madalas ay hindi pinapayagang magpiyansa β€” ay naaresto sa pamamagitan ng planadong manhunt at koordinadong operasyon,” ani Aberin.

Karamihan ay matagal nang nagtatago at may kasong rape, murder, at robbery. Idinagdag din ni Aberin ang pagkaka-aresto ng walo sa sampung bagong listed na MWPs ngayong Mayo, bilang patunay sa determinasyon ng NCRPO na alisin ang banta sa mga komunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here