Mariing kinondena ni Senate President Francis Escudero ang ulat na plano ng US na ipatapon sa Libya ang mga undocumented Asian nationals, kabilang ang mga Pilipino.
Tinawag niya itong “malupit” at labag sa karapatang pantao, lalo na’t hindi ligtas ang kalagayan sa Libya.
Pinayuhan niya si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na agad alamin ang kalagayan ng mga Pilipinong posibleng maapektuhan at tiyaking may legal na tulong sila.
“Handa tayong tanggapin ang ating mga kababayan, pero hindi ito dahilan para itapon sila sa isang bansa na hindi ligtas at hindi naman sila tinatanggap,” aniya. RNT