Home NATIONWIDE 13-anyos na motocross rider sapul ng motor, patay

13-anyos na motocross rider sapul ng motor, patay

278
0

MANILA, Philippines – Nasawi habang nagsasanay sa isang racetrack sa Compostela, Davao de Oro ang 13-anyos na motocross rider na kilala bilang si “AJ30 King Cobra” sa motocross community.

Manila, Philippines – Patay sa race track ang 13-anyos na motocross rider na kilala bilang si AJ30 King Cobra habang nagsasanay sa Compostela, Davao de Oro.

Sinabi ni Ruel Sr., ama ng nasawing binatilyo na si Ruel “Arjay” Gonzaga, Jr., na nagsasanay ang kaniyang anak gamit ang 65cc motorbike para maging pamilyar sa racetrack nang tamaan ito ng isa pang motorsilo.

“Lumarga siya, may naaksidente doon, malayo pa, nabitawan ang motor. Ang motor, tumawid sa kabilang lane… talagang nagkataon, mga ilang segundo lang talaga at doon mismo bumagsak sa kanya ang motor,” ani Ruel Sr.

Nakilala ang nakababatang Ruel sa motocross community sa loob lang ng isang taon matapos sumali dahil madalas siyang manalo.

Nalulungkot si Ruel Sr., na ang isport na kinahiligan ng kaniyang anak ang naging dahilan ng kaniyang pagpanaw.

Umaasa siya na magiging leksyon sa mga organizer at motocross community ang nangyari sa kaniyang anak.

Nakipag-ugnayan na umano sa pamilya ni Ruel ang pamilya ng isa pang rider na nasangkot sa insidente, ganoon ang organizer ng kompetisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here