Home METRO 13 bayan sa Quezon, 12 oras mawawalan ng kuryente sa Hunyo 7

13 bayan sa Quezon, 12 oras mawawalan ng kuryente sa Hunyo 7

QUEZON, Philippines – Magkakaroon ng 12-oras na brownout sa 13 bayan sa Quezon sa Sabado, Hunyo 7, 2025, mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM dahil sa maintenance work ng NGCP sa 69kV transmission line.

Kabilang sa apektadong lugar ang Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, at San Francisco.

Apektado rin ang Pitogo substation. Pinapayuhan ang mga residente at negosyo na maghanda. RNT