Home NATIONWIDE ICC judge sa Duterte case kabilang sa pinatawan ng parusa ng Trump...

ICC judge sa Duterte case kabilang sa pinatawan ng parusa ng Trump admin

MANILA, Philippines – Nagpataw ng parusa ang administrasyong Trump sa apat na hukom ng International Criminal Court (ICC), kabilang si Reine Alapini Gansou na kasamang humahawak sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y crimes against humanity.

Ang hakbang ay kasunod ng paglalabas ng arrest warrant ng ICC laban kay Israeli Prime Minister Netanyahu at dating imbestigasyon sa mga sundalong Amerikano.

“As ICC judges, these four individuals have actively engaged in the ICC’s illegitimate and baseless actions targeting America or our close ally, Israel. The ICC is politicized and falsely claims unfettered discretion to investigate, charge, and prosecute nationals of the United States and our allies,” ani U.S. Secretary of State Marco Rubio.

Mariing kinondena ito ng ICC bilang pag-atake sa kalayaan ng hudikatura.

Ang parusa ay nagpapahirap sa mga hukom na magsagawa ng mga normal na transaksiyong pinansyal. RNT