MANILA, Philippines – Sarado ang 13 road sections sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region dahil sa bagyong Nika.
Inanunsyo ni Department of Public Works ang Highways (DPWH) Secretary Manuel M.Bonoan mula sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance ang siyam na national road sections sa Ifugao, Kalinga at Mountain Province na hindi maaaring daanan ng mga sasakyan. Ito ay ang:
3. Jct Abbag-Nagtipunan-Nueva Vizcaya Rd via Dupax (La Conwap, Nagtipunan, Quirino)
4. Jct Victoria-Maddela-Alicia-Kasibu Boundary Road (Barangay Villa Santiago, Aglipay, Quirino)
Dahil naman ito sa mga pagbaha, pagguho ng lupa at mga bumagsak na mga puno.
Bilang karagdagan, sa Aurora at Isabela ay limitado naman ang mga sasakyan na maaaring dumaan para sa tatlong road sections. Kabilang rito ang mga sumusunod:
3. Santiago-Tuguegarao Road (Barangay San Pedro to San Pablo, Aurora, Isabela) .
Ang DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMT), kasama ang Quick Response Assets (QRA), ay naglagay na ng warning signs upang ialerto ang publiko hinggil sa road closures
Magsisimula naman ang clearing operations sa sandaling ideklarang ligtas ang mga apektadong lugar para sa maintenance activities. Jocelyn Tabangcura-Domenden