MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang 13 probinsya at mga bayan sa buong bansa dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.
Hanggang nitong Biyernes, Oktubre 25 ay nasa ilalim ng state of calamity ang Cavite, Quezon province, partikular ang Mulanay, Tagkawayan at Lucban.
Idineklara rin ang state of calamity sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon partikular ang Donsol at Matnog.
Sa Visayas naman ay nasa ilalim ng state of calamity ang Calbayog City, Samar. RNT/JGC