ANG mga palatandaan at sintomas ng recurrent breast cancer ay nag-iiba depende sa lugar kung saan muling lumitaw ang kanser.
Sa “local recurrence”, bumabalik ang kanser sa parehong bahagi kung saan ito unang natagpuan. Nangyayari ito kung sumailalim sa lumpectomy, maaaring bumalik ang kanser sa natitirang bahagi ng dibdib. Kung sumailalim naman sa mastectomy, maaaring bumalik ang kanser sa tissue na bumabalot sa pader ng dibdib o sa balat.
Sa “local recurrence”, bumabalik ang kanser sa parehong bahagi kung saan ito unang natagpuan. Nangyayari ito kung sumailalim sa lumpectomy, maaaring bumalik ang kanser sa natitirang bahagi ng dibdib. Kung sumailalim naman sa mastectomy, maaaring bumalik ang kanser sa tissue na bumabalot sa pader ng dibdib o sa balat.
Ang mga palatandaan at sintomas ng local recurrence sa parehong dibdib ay bagong bukol sa iyong dibdib o hindi pantay na katigasan sa tissue, pagbabago sa balat ng iyong dibdib, pamamaga o pamumula sa bahagi ng balat, at paglabas ng likido mula sa utong.
Narito naman ang palatandaan at sintomas ng local recurrence sa chest wall pagkatapos ng mastectomy – isa o higit pang mga walang sakit na bukol sa ilalim ng balat sa pader ng dibdib at bagong lugar ng pagkapal malapit o sa kahabaan ng peklat mula sa mastectomy.
Sa regional recurrence, ang kanser ay bumabalik sa mga kalapit na lymph nodes. Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ay pagkakaroon ng bukol o pamamaga sa lymph nodes sa ilalim ng braso, malapit sa collarbone, o sa itaas ng collarbone; bukol o pamamaga ng leeg.
Sa distant recurrence o metastatic recurrence, kumakalat ang kanser sa mga malalayong bahagi ng katawan, tulad ng buto, atay, o baga.
Ang mga palatandaan at sintomas ay patuloy at lumalalang pananakit, gaya ng sa dibdib, likod, o balakang; patuloy na ubo; hirap sa paghinga; kawalan ng gana sa pagkain; hindi sinasadyang pagbaba ng timbang; malubhang pananakit ng ulo; at pagkakaroon ng mga seizure.
Tandaan, ang tamang pagsusuri at maagap na paggamot ay mahalaga upang mapamahalaan ang mga kaso ng recurrent breast cancer.
Nasabi na natin na hindi lamang babae ang puwedeng magkaroon ng breast cancer, maroon ding one percent sa mga kalalakihan dahil sa pagtataglay ng mammary glands.