Home NATIONWIDE 13 lugar, tutustahin ng malaimpyernong init sa Abril 28 — PAGASA

13 lugar, tutustahin ng malaimpyernong init sa Abril 28 — PAGASA

79
0

MANILA, Philippines — Aabot sa hindi bababa sa 13 lugar ang inaasahang makararanas ng danger-level peak heat index nitong Martes, Abril 28, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang aktuwal na temperatura at halumigmig sa hangin.

Ang danger-level heat index ay nasa pagitan ng 42ºC hanggang 51ºC, na may mas mataas na panganib ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring humantong sa heat stroke.

Inaasahang pinakamataas ang heat index sa Sangley Point sa Cavite City sa 44ºC. Kapag nangyari ito, ika-anim na sunod na araw na itong makararanas ng danger-level heat index mula Abril 23.

Kabilang sa iba pang lugar na posibleng umabot sa danger level ang NAIA sa Pasay City, Dagupan City, Aparri, Iba, Cubi Point sa Subic Bay, NAS-UPLB sa Los Baños, San Jose sa Occidental Mindoro, Puerto Princesa, Cuyo, Masbate City, Zamboanga City, at Butuan City, na may forecast heat index na 42ºC hanggang 43ºC. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here