Home METRO 13 rebelde, sumuko sa Maguindanao del Sur

13 rebelde, sumuko sa Maguindanao del Sur

95
0
via 38IB PA

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Sumuko sa militar ang 13 lokal na terorista sa Datu Piang, Maguindanao del Sur noong Biyernes, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Lt. Col. Erwin Felongco ng Army’s 38th Infantry Battalion, ang mga sumuko ay mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na kumikilos sa lalawigan.

Kasabay ng kanilang pagsuko, isinuko rin nila ang iba’t ibang armas kabilang ang dalawang homemade 81mm mortars, dalawang homemade 60mm mortars, isang M79 grenade launcher, homemade rocket-propelled grenade, isang sniper rifle, tatlong 9mm Uzi submachine guns, at isang granada.

Pinuri ni Brig. Gen. Edgar Catu ng Army’s 601st Infantry Brigade ang desisyon ng mga ito na tanggapin ang alok ng gobyerno na magbalik-loob sa lipunan.

Nagbigay rin ng tulong pinansyal ang iba’t ibang ahensya sa Bangsamoro region upang suportahan ang kanilang reintegrasyon sa normal na pamumuhay.

Hinimok naman ni Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara ng 6th Infantry Division ang iba pang miyembro ng armadong grupo na sumuko na rin, isuko ang kanilang mga armas, at samantalahin ang mga peace program ng gobyerno upang makapamuhay kasama ang kanilang pamilya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here