MANILA, Philippines – Labintatlong street gang ang idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela bilang persona non grata hinggil sa pagkakasangkot ng mga ito sa paglabag sa curfew, hazing, ilegal na droga at gulo.
Base sa Resolusyon Blg. 3467 Series of 2025, nagdedeklara sa lahat ng natukoy
na gang sa lungsod, at kanilang mga miyembro, bilang “persona non grata” o “hindi kanais-nais na mga tao” sa konteksto ng batas.
Ito ay upang higit pang maiwasan ang anumang iligal na operasyon at makapag-akit ng mas maraming mahihinang tao sa kanilang samahan.
Sa isang press conference na ginanap kahapon, tinawag ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang negatibong impluwensya ng mga street gang na ito sa kabataan sa lungsod.
“Ako po ay isang pamilyadong tao at hindi ko masikmura na ginagawa ang ‘30-second massacre’ sa aking anak. Pinag-aral natin sila,” sabi ni Gatchalian.
Sa halip aniya na mag-aral, sasali pa sa street gangs ang mga kabataang ito. Pineperahan na sila. Sinasaktan na sila. Kapalit ano? Pagdating naman na nahuli sila ng pulis. Iyakan,” dagdag pa ng alkalde.
Planong sampahan ng mga reklamo ni Gatchalian ang mga lider ng mga gang sa kalye na sangkot sa mga iligal na gawain.
Kabilang sa mga grupong ito ay ang True Brown Style (TBS), Little Brown Style (LBS), Temple St. (TST), Bagong Bario (BB) Hood, North Valenzuela Clique, Insane Saitan Disciple (NVC ISD) Hood, PMC Hood, Nortenos Loccos, Deathrow Hood Valenzuela, Locos Varrio Latino, TST – Rosario Hood, TBS – Disiplina Village Lingunan, Piru Hood Disiplina Village Lingunan at Original Trouble Maker Gang (OTM). Merly Duero